Reviews

Lourd De Veyra's Little Book of Speeches by Lourd Ernest H. de Veyra

mabagalmagbasa's review

Go to review page

5.0

HOY IKAW! KUNG PINOY KA BASAHIN MO ‘TO! KUNG HINDI, edi hindi. Madali naman akong kausap.:)
Hindi ko binalak bilhin ang Lourd de Veyra’s Little Book of Speeches (LdVLBoS). Gusto ko talagang bilhin yung Stupid Is Forever ni MDS. Ang kaso, out of stock sa National Book Store SM Bacolod (as always the case. Punyeta).
Bago ko basahin ang LdVLBoS, ito lang ang alam ko tungkol kay Lourd:
1. Sigurado akong matalino siya. Nasa broadcast industry e.
2. Siya yung cool na weatherman sa TV5
3. Ang gwapo ng speaking voice niya. Napanood mo naman sigurado yung Mang Juan commercial niya, di’ba?
4. Informative at entertaining ang Word of the Lourd videos na ina-upload niya sa YouTube. Napanood ko yata halos lahat ng episodes ng WOTL. Fan na fan kasi ang ate ko nu’n.

First time kong bumili ng non-fiction book (Filipino or otherwise). Yung ABNKKBSNPLAko?! ni Bob Ong lang yata ang nabasa ko under this genre. Inenjoy ko yun, pero ‘di na nasundan (what a shame).

So, ano bang napala ko habang binabasa at pagkatapos kong basahin ‘tong 150 pages (hindi pala 190) na librong ‘to na may napakanipis ng cover?

Sabi sa likod ng libro:
"These are not your ordinary speeches.
These speeches were written to raise questions. Inspire action. Encourage thought. They're also full of sarcastic one-liners, biting wit, and colorful cuss words"


It contains 25 different speeches all written and 21 of which were delivered by the author himself during graduations, seminar, award ceremonies, etc. Kayo na umalam kung ano’ng nangyari dun sa 4 na hindi nya na-deliver *wink*

Siguro masasabi kong mas nakilala ko si Lourd de Veyra sa librong 'to. Hindi (daw) siya aktibista. Hindi lang siya basta weatherman na may nakakaaliw na historical trivias. Hindi lang siya yung may seksing boses pag nag-e-endorse ng chicharon. Hindi lang siya yung nanlalait kay Kris Aquino sa mga WOTL episodes niya.
Si Lourd de Veyra ay isang mahusay na poet/writer (3-time Palanca Awardee). Journalist (okay, obvious ‘to). Blogger. Pangkista. Higit sa lahat, siya pala ang frontman ng Radioactive Sago Project (No joke. Hindi ko talaga alam. Aliw pa naman ako sa kanta nilang “Gusto Ko ng Baboy” hehe).

Excerpt mula sa libro:
“ “Do I contradict myself? I contain multitudes!”sabi ng makathang si Walt Whitman. ‘Yan ang tao. ‘Yan ang tunay na diwa ng tao. Hindi ‘yan tao kung walang conflict sa kanyang mga perspektiba sa buhay. Baka lang at kambing at kuhol ang walang mga conflict sa buhay.”

Isa lang to sa mga gustung-gusto kong concept from the book. Kumbaga sa fiction, para siyang coming-of-age story. RELATABLE. RELEVANT. Nung natapos kong basahin ‘to, parang tumalino ako. Mas mulat. Naisip ko din, “ang sarap talagang magbasa.”

Maraming beses nag-speech si Lourd tungkol sa halaga ng media, in particular, social media.
Ako, pa-fangirl fangirl ako 95% of the time sa Twitter. 5% siguro rants about school. Mga isyu tungkol sa kahirapan, giyera, ekonomiya, moralidad, at politika? Sa harap ng hapag-kainan lang napag-uusapan ng pamilya ko ang mga 'yan (Pero minsan naiisip ko rin, yung ibang pamilya kaya, napag-uusapan din ang mga bagay na ‘to? Siguro.) Sa skwelahan, meh, busy sa pagsosolve ng fictitious assets and liabilities.

Ang punto ko—minsan, hindi ko (natin) nagagamit nang tama ang social media or internet. Pangit ang pagiging indifferent sa mga relevant issues kung may kakayahan ka naming baguhin ang mga ito (e.g. Yung Marcelo Santos III na 'yan na best-selling author daw at may 4M++ likes kahit na-plagiarize niya sa Paulo Coelho; mga jeje trends ng fantards na, ewan ko ba, mamamatay yata kung hindi mag-trend ng isang araw ang mga idolo nila). Hindi ko sinasabi out loud ang mga ganyang bagay dahil naniniwala akong lilipas din ang mga ganyan, at worse, baka ma-bash o ma-cyberbully pa ako ng mga die-hard fans.

Pero may natutunan ako kay Lourd. Sabi nya sa isang speech (about journalists he looks up to):
“Hindi ko alam—pero for some reason, ganun yung klase ng opinion na gusto kong basahin ko noon. Punk rock. Parang sinampal ka sa mukha, hinihila ang kwelyo mo, pero hindi ka sinisigawan. Para sa akin, ‘pag ang opinion ay sumigaw, nawawalan na ito ng bisa. Higit sa lahat…nakakatawa.”

Gusto kong tularan yun. Paano? Di ko rin alam, but I’m working on it.

To end this speech, I mean..review, hindi ko masasabing titigil na akong maging fangirl over books and TV shows and artists I love. Siguro imi-minimize ko lang. Gusto kong maging “proactive” Filipino netizen—maging involved sa social & political issues, ganun( 2015 New Year’s resolution).

Pero ito ang sure na sure ako:
1. Babasihan ko ang iba pang libro ni Lourd
2. Maghahanap ako ng kopya ng Trip to Quiapo ni Ricky Lee (pinakapaborito ko kasi yung “Palayain si Inday" speech kaya na-curious ako)
3. Kelangan ko ng UP Diksyunaryong Filipino. Sa’n makakabili nu’n?

Kung natapos mong basahin ‘to, salamat!

P.S. Gusto ko rin yung “Ano ang Meron Noon na Wala Ngayon?” speech. Rak.

ikabonifacio's review

Go to review page

3.0

I finally understand why some conspire that Lourd is behind the works of Bob Ong.

He portrays Filipino life and politics in humorous realism, sprinkling in occasional profoundness that criticizes our norms, our societal culture of anti-intellectualism, and our entertainment. Yet, he has his unique style of storytelling — jumping in from English to Tagalog and vice versa without sacrificing the quality of his work, integrating ideas and quotations from novelists, poets, and philosophers, and delivering historical and cultural references in witty one-liners. As a kid, I've only known Lourd as the "funny history guy in TV5." Reading one of his books now gives me a greater appreciation for his approach to journalism. Thank you for bringing facts and evidence entertaining and closer to the masses.

deadstars's review

Go to review page

3.0

it's fun when you get his humor, and his depicted "personality" but i didn't agree with some points.

sparklesandnargles's review

Go to review page

4.0

Witty--and gasp, inspiring. My favorite is his speech at the Philippine High school for the Arts' graduation ceremony. galing.
More...