Reviews

Tabi Po: Isyu 1 by Mervin Malonzo

scythefranz's review against another edition

Go to review page

5.0

Mas bet ko ito kesa sa una dahil may ideya na ako kung ano ang gusto talagang ikwento ng komiks na 'to. Mas nagkalaman. Mas nagkahubog.

Ang paggamit ng mga tauhan ni Rizal sa kanyang mga nobela (o pag-alternate sa nobela mismo) ay talagang naging epektibo. Mas naging interesting para sa 'kin. Mas tumaas ang pananabik sa susunod na mangyayari bawat paglipat ng pahina.

Hindi na ako masyadong kinabahan at natakot sa librong 'to kumpara sa volume 1 dahil napalitan ito ng galit at pagkasuklam sa mga dimonyong tauhan sa librong 'to. May kalungkutan at pagkaawa ring dala ang Tabi Po 2 lalo na sa sinapit ni Salome at sa katotohanang sinambulat ng komiks tungkol sa kalagayan ng bansa, ng mga tao in general at ng realidad.

Ah basta maganda.

scythefranz's review against another edition

Go to review page

4.0

Madugo pa rin. Iba ang dalang takot at pangamba ng librong 'to sa 'kin. Hindi ko ma-explain pero kinakabahan ako habang binabasa ito. Hahaha!

Magandang simula para sa isang komiks. Alam mong tungkol ito sa Aswang pero hindi ka gaanong kasigurado kung saan hahantong ang kwento. Hindi rin naman pasikot-sikot.

Gusto ko rin ang daloy ng kwento at ang mga diyalogo. Miski ang narration ay naka-e-engganyo at nagdadagdag ng kaba sa iyong dibdib.

-----‐--------------------------------
Madugo.

thequeenreads's review against another edition

Go to review page

4.0

Place holder for Bloodlust kasi wala pa sa goodreads

diwataluna's review against another edition

Go to review page

3.0

Paano ba dapat bigyan ng rating ang comic books at graphic novels? Batay ba sa kwento lamang? Sa pagkaguhit? 50-50 yung dalawa? Mahirap!

Ang una mo talagang mapapansin sa Tabi Po ay ang estilo ng pagkaguhit ng mga larawan at ang grapikal (graphic?) na paglalarawan sa katawan ng mga karakter at sa mga pangyayari. Dugo ba ang hanap mo? Laman o hubong katawan? Kung ang Twilight na di ko nabasa ay pinaghalo ang horror (elemento ng bampira sa kwento) at ka-cheesyhan (romansa), itong Tabi Po ay pinaghalo ang horror (elemento ng aswang at pagpaslang) at sekswal (mga hubad na katawan). Ang isyung ito ay nakakabitin at babasahin ko pa ang mga susunod.

yyangreads's review against another edition

Go to review page

4.0

sobrang gore shet, bk8 q ba 'to binasa ng alas dos ng madaling araw sana makatulog pa q ☺️☺️☺️☺️☺️☺️.

newayz sobrang ganda ng art!!! ito b yung tall, dark, & handsome n nakatira sa puno ng balete

dexterous_totalus's review against another edition

Go to review page

4.0

Tabi Po is deliciously gory. I have read/watched stories featuring "creatures of the night" but I felt this one really has a fresh take. The historical setting in Spanish-colonial Philippines is the perfect route to trudge.

I am also in love with the art style. Every page is just bursting with color and evokes a haunting vibe. I like the crude unfinished look of the illustrations. The only thing holding back from a 5 star rating is the length. This is too short and I immediately want to dive in to isyu 2.

dexterous_totalus's review against another edition

Go to review page

5.0

Now this is starting to become more interesting. Tabi Po: Isyu 2 is sort of a retelling of Rizal's Noli Me Tangere and El Filibusterismo which are classic tales of oppression, power srtuggles, a hint of romance, rotten politics, and so fittingly — monsters!

Elias and Salome starts a revolution in this installment and the strips are getting darker and darker. I love the night scenes and I particularly like Mervin's use of perspectives and how he zooms in a specific element in one frame to draw out emphasis and impact. I remember that two-page spread where Elias and Salome's face are blown up to occupy the entire pages. That has some drama in it which I love.

This series is simply hauntingly satisfying — blood, innards, genitals, and all!

earlapvaldez's review against another edition

Go to review page

5.0

Kumpara sa kaniyang [b:Ang Subersibo|27804236|Ang Subersibo|Adam David|https://d.gr-assets.com/books/1447292936s/27804236.jpg|47783967] na kasama si Adam David, tumungo naman si G. Malonzo sa mga bagay na hindi natin maipaliwanag, at nagustuhan ko ito sapagkat buhay ang pinag-uusapan natin at kung paano nagiging buhay para sa iba ang buhay ng isang nilalang na nangangailangan nito. Hahanapin ko muna ang Isyu 2 at ipagpapatuloy ang pagbabasa nito.

earlapvaldez's review against another edition

Go to review page

5.0

Mas nagustuhan ko ang ikalawang bahagi kaysa sa una, para sa seryeng ito. Dito, mukhang inilalayo muna tayo sa tanong ng pinagmulan upang mabigyang pansin kung ano ang kinakaharap ni Elias sa kasalukuyan tungkol sa kaniyang pagiging halimaw at kung may nakaraan nga ba siya o wala.

Pero parang bitin. Sana sa susunod tapusin na ang mga lahat ng nakasabit na bahagi at aspekto ng kuwento.

jurizprudence's review against another edition

Go to review page

4.0

galing!